Martes, Marso 7, 2023

Hindi magkatugma ang konsepto natin ng pag-ibig

Hindi magkatugma ang konsepto natin ng pag-ibig

Dahil ang aki'y hindi bunga ng kemikal ng sintido na maaaring bitawan kung hindi na nagdudulot ng ngiti
Pinalaki ako sa pag-ibig nina Florante't Don Juan
Sinisigasig ang mga pagsubok ng Hari, bumabalik at araw-araw pa rin sayong pumipili

Hindi na nagtutugma ang konsepto natin ng pag-ibig
Ang aki'y lumilimot sa mga pagkukulang at pagkakamali
Sa iyo'y sa iba nagsasabi't pinipili ang sarili
Hindi na tugma ngunit ako'y may paggalang sa sanlibo't siyamnapu't lima natin

Hindi na magkatugma ang konsepto natin ng pag-ibig
Masaya akong nauna mo itong nakamit
Dahil pinalaki ako sa pag-ibig ni Crisostomo't Isagani
Magiging masaya para sa inyo ni Linares at Pelaez
Kahit ang puso mo'y hindi na para sa akin.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Kahon

Hindi ko malilimutan kung paano mo ako inilabas sa kahon Palagi kong aalalahanin ang sinuong kong mga alon Kung gaano kahirap ang pagsigaw A...