Biyernes, Pebrero 10, 2023

Hergis

Alam kong hindi ako si Hergis

Ngunit nais kong limutin ang tamis

Ngalan mo'y lagi pa ring sinasambit

Sa palagi'y nagugunita ang mga bakit


Higit lalong hindi ako si Klaudio

Kaya't ipagtatapat kong ikaw pa rin ang isinisigaw ng puso

Hindi ako mandirigma ng Ludo

Bathala, pagbigyang pagkakataong ilaban ito hanggang dulo


Hindi ako si Hergis

Ngunit nais ko ring matapos na ang pagtangis

Pakiusap, Ding, ang nasa ulo ko'y pindutin

Upang malimot ang buwig ng alaala natin.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Kahon

Hindi ko malilimutan kung paano mo ako inilabas sa kahon Palagi kong aalalahanin ang sinuong kong mga alon Kung gaano kahirap ang pagsigaw A...