Lunes, Enero 2, 2023

Tawagin mo akong suki

Hindi naman mahina ang aking pag intindi
Mas tama lang sigurong sabihin na pamigil ko ang may mali
Dahil sa pitong beses mong paglayo
Pitumpu't pitong beses akong bumabalik sa iyo

Kahit ubos na
Kahit itinataboy na
Ang mga panyapak ko'y binabakas ang iyong dinaanan
Nagbabakasakaling baka may natira pa at ang suki'y naipagtabi ng paghagkan

Kahit wala na, gusto ko pa ring subukan at daanan
Kung alam mo lang kung gaanong linamnam ng pag-ibig ang nabuo sa pagbili ko sa iyo ng mga sangkap
At kung muli mong pagbuksan at pagbilhan
Ngingiti ang iyong suki na matagal na naghintay na muli kang masilayan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Kahon

Hindi ko malilimutan kung paano mo ako inilabas sa kahon Palagi kong aalalahanin ang sinuong kong mga alon Kung gaano kahirap ang pagsigaw A...