Miyerkules, Abril 5, 2023

Kulang ang labindalawang buwan

Balatuhan mo pa ako ng limang buwan

Na baka sa pang-anim ay tuluyang mawala sa isipan

Ang limutin ka'y 'di matarok ng kakayahan
Baka sakali, kahit matanggap na lamang ang katotohanan

Paano sumapat sa iyo ang walong buwan?
Ang matagal nating pagsasama'y mabilis mong nakalimutan
Hindi mo man lamang pinalampas ang aking kaarawan
Kaya siguro ang pagpapasiya mo'y walang bakas ng pagiging marahan

Kapag naubos na ang balatong buwan na hinihingi ko,
Baka humingi pa ako ng tatlo, sampu o di kaya'y walo
Kung matagal ang paghilom ko'y patawarin mo ako
Labis lamang ang katapatan ko sa tatlong taong sinabi ko na ikaw lamang ang mahal ko.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Kahon

Hindi ko malilimutan kung paano mo ako inilabas sa kahon Palagi kong aalalahanin ang sinuong kong mga alon Kung gaano kahirap ang pagsigaw A...