Sa oras na tapusin ko na ang aking paghihirap
Huwag mo sanang limutin na minsan nating hinarap
Ang bukas nang magkahawak ang kamay
Lumaban at magkasamang nagtagumpay
Hindi ko kayang mabuhay kung sa pilimg ko ay wala ka
Hindi ko kakayaning makita na kasama ka ni Adolfong mang-aagaw
Dahil sa puno, araw-araw
Nauupos ang pag-asa sa takot sa sintesyang haharapin sa ilang gising mula bukas
Kung hindi ko kayanin
At ako na mismo ang tumapos sa abang buhay
Huwag mo sanang limutin na ako ang naghintay
Na ika'y babalik nang handa sa bagong simula
Pigilan mo ako, abang Laura
Hindi ko kayang mawala ka
Pigilan mo ako sa ikalawang bukas
Huwag mong pahintulutan na ako ang tumapos sa buhay kong hindi pa dapat magwawakas.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento