Kung hindi papalarin
Sarili mo'y palaging palayain
Mga pangako mo sa aki'y tuparin
At piliing magpatuloy palagi
Saglit lang naman ang aking pag alis
Sa ika-apat napu't limang araw ay matatanggap mo rin
Ngunit hindi iyon nangangahulugan ng paghihiwalay natin
Kung mayroong hintayan sa langit ay doon kita kikitain
Kung hindi palarin
Ipagtilos mo ako ng kandila tuwing ikadalawampu't lima ng buwan ng pag'ibig
Huwag mo sana agad akong limutin
Dalangin ko'y magkita tayo sa likod ng bahaghari
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento