Miyerkules, Mayo 11, 2022

"Paano patayin ang daga?"


Alam kong natatakot ka sa malaking daga
Palagay niya'y palagi siyang tama
Ang daga'y masaya ngunit madalas kung magpanggap
Sinasabing ganid, para naman sa iba'y kaibigan

Hindi ko na kayang tiisin ang daga
Balak ko siyang saksakin ng punyal kaso dugo niya'y kakalat
Nais ko rin siyang painumin ng lason
O di kaya ay pasagasaan sa kalsada

Madaling patayin ang daga
Iniisip ko lamang ay ang kaniyang pamilya
Ang mga pumipigil sa maitim kong balak
May pangarap daw ang daga, ang magkaroon ng malaking palasyo kasama ang kuneho
Pero parang hindi iyon matutupad dahil papatayin ko na ang daga mamaya.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Kahon

Hindi ko malilimutan kung paano mo ako inilabas sa kahon Palagi kong aalalahanin ang sinuong kong mga alon Kung gaano kahirap ang pagsigaw A...