Hindi ako nasaktan noong bigla kang nawala
Dahil mas masakit ang uma-umagang pag-asa na babalik ka pa
Hindi ako nasaktan sa iyong pagsasawalang bahala
Dahil mas masakit isipin na ako ay wala ng halaga
Hindi ako natatakot sa iyong paglisan
Natakot ako sa hindi mo pananatili
Hindi ako natatakot noong ayaw mong ibigay sa akin ang iyong puso
Natakot ako dahil palagi mong dala ang sa akin
Hindi na bago sa akin ang mga taong nagiging bula
Tila kinukuha sila ng kawalan
Hindi din ako natakot noong hindi makasulat ng tula ang aking mga kamay
Natakot ako noong dumating yung araw na hindi na ako kilala ng paborito kong paksa.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Kahon
Hindi ko malilimutan kung paano mo ako inilabas sa kahon Palagi kong aalalahanin ang sinuong kong mga alon Kung gaano kahirap ang pagsigaw A...
-
Ang pangalang Dr. Jose Rizal Mercado y Alonso ay tanyag sa bawat tahanang Pilipino at maging ang kaniyang larawan ay inilagay sa mga selyo n...
-
Naniniwala na ako na kung mahal mo ang isang tao, ilagay mo ang kaniyang larawan sa iyong pitaka Simbolo raw ito ng wagas mong pagmamahal sa...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento