Lunes, Disyembre 3, 2018

"Para sa lahat ng iniwan" ni Karl Christian C. Aldovino

Hindi mo na iguguhit ang kaniyang mukha
Hindi mo na rin siya maaalala sa paborito mong kanta
Hindi mo na papakiusapan ang buwan na pabalikin siya
Hindi mo na siya gagawan ng tula

Hindi mo na ipapalit ang pangalan niya sa mga paborito mong linya sa pelikula
Hindi mo na hahalikan ang kaniyang larawan habang lumuluha
Hindi mo na siya tatawagan upang sabihin kong gaano mo siya kamahal
Hindi ka na magmamakaawa
Hindi na, dahil alam mo na ang iyong halaga

Maaayos mo na ang pusong winasak ng taong nangakong mananatili
Hindi ka na malilito, mapapagod, malulungkot at matatakot sa pag-iisa
Alam kong hindi pa ngayon, pero balang araw, alam kong kaya mo na
Ako din
Hindi ko pa kaya.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Kahon

Hindi ko malilimutan kung paano mo ako inilabas sa kahon Palagi kong aalalahanin ang sinuong kong mga alon Kung gaano kahirap ang pagsigaw A...