Ituro mo sa akin ang paglimot
At tuturuan kita kung paano makaalala
Itinuro ko sa iyo ang tamis
At tinuro mo naman sa akin ang lasa ng pait
Tinuruan kita ng pagkapit
At tinuro mo sa akin ang pagbitaw
Tinuruan kita ng pagngiti at pagtawa
Bakit mo itinuro sa akin ang gabi-gabing pagiyak at pagluha?
Itinuro ko sayo ang pagyakap, Itinuro mo sa akin ang paghalik - na ginawa mo na din pala sa iba
Itinuro ko sayo ang buhay , tinuruan mo akong mamilipit sa sakit at dahan-dahang mamatay
Pwede bang ituro mo sa akin ang mga bagay na itinuro ko sayo simula noong umpisa
Dahil ang mga itinuro mo nalang ang natatandaan ko
Hindi mo naman sinabing iiwan mo din pala ako
- gaya ng iba.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento