Biyernes, Nobyembre 9, 2018

"Dise Otso" ni Karl Christian C. Aldovino

Sa pag edad mo ng dise otso
May karayom na tutusok sa daliri mo  na maghahatid sa iyo sa mahabang pagtulog
At may isang tao na hahalik sa mga labi mo na maghuhudyat sa pag gising mo na siya ring makakasama mo sa inyong kastilyo
Ganito ang nangyari sa paborito mong kuwento noong edad mo ay pito at hinihintay mong maging labing walo

Binabati kita dahil ngayon na ang araw na iyon
Gigising , papasok , mapapagod
Buhay ka pa ba sa "buhay" mo?
Walang kaibigan at hindi masaya sa kung ano ka ngayon
Binabati kita napaka walang kwenta mo

Dise otsong taon ng pag eeksperimento at  paghahanap sa sarili mo
Hindi ka masaya dahil sa iniisip mo pa rin ang "ibang tao"
Nagtataka dahil unti-unting lumulungkot ang pasko at tanging pag-iisa ang nais mo
Wala nang halaga ang araw ng  kaarawan mo
Marami ka nang narinig na "Mahal kita, kaso hindi pwedeng maging tayo"
Ito ang tunay na mundo - pera nalang ang nagpapaikot

Sa pagsapit mo sa edad na ito
Ang tanging mayroon ka nalang ay puso
Na ang kalahati ay winasak ng mundo
Habang ang kalahati ay pinadala mo sa taong nilisan ang piling mo

Galit ka sa mundo
At nalilito ka na sa depinisyon ng "pagmamahal" at "paglalaro"
Hinahanap mo ang saya sa sigarilyo at serbesa na handog sa iyo ng tropa mo
Nakalimutan mo na ang mga pangarap mo noong ang edad mo ay walo

Sa pag edad mo ng dise otso
Sa kwento mo ay lubid nawala na ang karayom na nasa kwento
Tipong walang kahit sino - walang nakaiintindi sa iyo - kahit sarili mo
Pero may kasunod pa ang labing walo
Pakiusap , tatagan mo.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Kahon

Hindi ko malilimutan kung paano mo ako inilabas sa kahon Palagi kong aalalahanin ang sinuong kong mga alon Kung gaano kahirap ang pagsigaw A...