Martes, Nobyembre 6, 2018

"Ano naiyak ka na naman" ni Karl Christian C. Aldovino

Nakakasawa ang paulit ulit na obra
Mga salitang tila ba nilagay sa lumang tapayan,hinimlay at binuro ng matagal
Hindi ko na nga pala kinakausap ang buwan,ang tala,ang tadhana
Dahil wala silang kinalaman - Palagi namang ikaw ang dahilan ng pagluha

Kaparehas ng tanong ko sa dilaw na buwan at sa mga kainuman kong tala
Kahit madalas kong murahin na tadhana
Ay siya ring pagsagot ng aking mga matang lumuluha na naman ng tinta
Na dahil pa rin ito sa'yo-
Ang paborito kong paksa

Hindi pala dapat "bakit" ang tanong ko sa kanila
Dapat pala ay "kailan"
Kailan mo ba matatanggap na hindi talaga kayo ang para isa't isa
Kailan titigil ang pagluha ng tinta para sa paksang hindi nagbabasa ng tula.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Kahon

Hindi ko malilimutan kung paano mo ako inilabas sa kahon Palagi kong aalalahanin ang sinuong kong mga alon Kung gaano kahirap ang pagsigaw A...