Lunes, Nobyembre 5, 2018

"Bakit ba isa lang ang Oktubre sa kalendaryo" ni Karl Christian C. Aldovino

Dahil tapos na ang Oktubre ay hindi ko na sinisilayan  ang iyong larawan
Hindi na rin ako nagpapadala ng sulat na nagsasabi kung gaano kita kamahal
Hindi ko na rin hinihintay ang muli mong pagtawag

Tapos na ang Oktubre at hindi na kita gagawan ng tula
Hindi ko na rin ipipilit ang tayong dalawa
Hindi ko na ginagambala ang tahimik mong mundo
Ni sinasabing ikaw pa rin ang mahal ko

Patawad dahil para sa iyo pa rin ang tulang ito
Lahat ng "hindi" na nabasa mo ay hindi totoo
Bakit ba isa lang ang Oktubre sa kalendaryo?
At bakit hindi pwedeng maging tayo.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Kahon

Hindi ko malilimutan kung paano mo ako inilabas sa kahon Palagi kong aalalahanin ang sinuong kong mga alon Kung gaano kahirap ang pagsigaw A...