Lunes, Oktubre 29, 2018

"Sa mundo ng mga tula" ni Karl Christian C. Aldovino

Hawakan mo ang aking kamay
Pupunta tayo sa mundo ng tula
Kung saan masaya tayong magsasama
Marami akong alay na mga mala-rosas na salita

Pupunta tayo sa mundo ng tula
Hindi na takot ni walang dalang pangamba
Dahil handa na akong ipaglaban ka
Handa na ako sa kahit ano basta makasama ka lamang

Pupunta tayo sa mundo ng tula
Saglit
Bakit mo bitiwan ang aking kamay
Akala ko ba ay sabay tayong haharap sa pagsapit ng liwanag

Pupunta tayo sa mundo ng tula
Ako ang hahawak ng panulat ngunit bakit bumitaw ka
Ikaw ang paboritong paksa ng mga pyesa
Ayaw mong sumama

Dahil natatakot ka
At mas nais mong manatili sa puting buwan
At iniwan mo akong lumuluha ng tinta
Hindi maisatitik ang nadarama
Ngunit hihintayin pa rin kita dito sa mundo ng mga tula.



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Kahon

Hindi ko malilimutan kung paano mo ako inilabas sa kahon Palagi kong aalalahanin ang sinuong kong mga alon Kung gaano kahirap ang pagsigaw A...