Biyernes, Oktubre 26, 2018

"Pagsapit ng gabi" ni Karl Christian C. Aldovino


Sa pagsapit ng gabi
Sa pagkagat ng dilim
Lumalabas ang kulay na inakala mong itim
Na sa iyong piling ang mundo ay napakatahimik at para bang walang panganib

Sa pagsapit ng gabi
Iginuhit mo sa aking labi ang paglaya
Ang bawat segundo ay hindi natin sinayang
Pinakita mo ang mundo sa kaunting sandali

Sa pagsapit ng gabi
Napasaya mo ako na para bang iyon na ang huli
Hindi ko alam ngunit bigla akong natakot sa liwanag na unti unting bumabalot sa langit
Isa-isang nawala ang mga bituin at nagpaalam na ang buwan sa atin

Ito na ang liwanag na nagbabalik sa kung ano lang talaga ang meron sa atin
Sa reyalidad na hindi parating gabi
Na may katapusan ang dilim
Na ang ating kuwento ay nagsimula sa huli

Nakatatakot tumaya at makipaglaro sa dilim
Hindi ka sigurado sapagkat tanging nakikita mo ay itim
Ngunit walang kulay ang tunay na pag-ibig
Ikaw ang hahanap ng ikukulay mo sa mundong ikaw ang hari

Sa pagsapit ng gabi
Handa akong itaya ang lahat para sa kaunti pang saglit
Para sa iyong mga yakap at halik
Susubukan ko dahil palagi namang sasapit ang gabi.




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Kahon

Hindi ko malilimutan kung paano mo ako inilabas sa kahon Palagi kong aalalahanin ang sinuong kong mga alon Kung gaano kahirap ang pagsigaw A...