Biyernes, Hulyo 13, 2018

"Tumor ng Bayan" ni Karl Christian C. Aldovino

Tunay na Presidente ang kailangan ng bansa
Umpisahan na ang operasyon, malala na ang pamamaga
Humanda sa mga ibabatong palaso ng katotohanan
Ilang nakakabahalang sintomas ng mga tumor ng bayan

Tuso at gahaman
Sumisingit sa pila
Ikinakahiya ang paggawa ng tama
Garapal ang mukha at walang disiplina

Kahit sinong opisyal pa ang mahalal ay hindi uunlad ang bansa
Turukan ng hiya at palaklakin ng tableta ng disiplina
Mga tumor na lalason sa buong katawan
Tignan ang sarili sa salamin
At iyong makikita ang isa sa mga tumor ng bayan

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Kahon

Hindi ko malilimutan kung paano mo ako inilabas sa kahon Palagi kong aalalahanin ang sinuong kong mga alon Kung gaano kahirap ang pagsigaw A...