Huwebes, Hunyo 28, 2018

"Isang linggo pa lamang ako dito" ni Karl Christian C. Aldovino


Isang linggo
pitong araw na nakakapanibago
isang daan animnapu't walong oras na nakakahingal dahil mabilis na tumakbo
Isang linggo pa lamang ako dito

Bago ang lahat sa paningin ko
Matatalas na tingin ang sa aki'y sumalubong
Tila hinuhuburan at hinuhusgahan ang buo mong pagkatao
Malay mo, pumurol ang mga iyon
Dahil isang linggo pa lamang ako dito

Iba't - ibang klase ng hayop ang kasama ko sa bagong kagubatan
Hindi sila tinatalban ng aking palaso't may lason na panulat
Hindi muna ako mangangaso
Dahil isang linggo pa lamang ako dito

Asupre, kidlat at apoy ang tutupok sayo pag nakasalubong mo ang mga dragon
Temperaturang tila nasa loob ng kahon
Ito ang pinilihan kong mababang halaga ngunit mataas na kalidad ng edukasyon
AT ISANG LINGGO PALANG AKO DITO
Isang linggo na mababawas ko sa apat na taon.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Kahon

Hindi ko malilimutan kung paano mo ako inilabas sa kahon Palagi kong aalalahanin ang sinuong kong mga alon Kung gaano kahirap ang pagsigaw A...