Minsan
Mamahinga ang kailangan
Matalo para manalo
Mahulog para masalo
Minsan
Maghintay sa tagpuan
Unang yugto
Masabik sa dulo
Minsan
Mamahinga sa kanlungan
Magkamali para matuto
Huminga matapos tumakbo
Minsan
Ikaw ang kailangan
Pero kailangang mamahinga
Kahit minsan.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento