Lunes, Abril 9, 2018
"Kapeng Barako" ni Karl Christian C. Aldovino
Sabi nila kailangan mo ng kape
para magising ka
Kurutin ang hita
Sampalin ang mukha
Hanggang ngayon nagtataka ang makata
Sa ilang galong kape ay nalunod na
Puno na ng pasa ang hita
Manhid na ang pisngi nitong mukha
Mugto na ang mga mata
Puso ay dumudugo na
Pero muli paring aasa na may kasunod pa ang storya
Mapalad ka
Dahil ngayon ay tanggap mo na
Na hindi na magkakaroon ng bagong kabanata ang storya ninyong dalawa
Kahit alam kong ako nalang ang nagkukulong sayo
Mahal malaya ka na
Mga tenga mo ay hindi na maririndi sa paulit ulit na mga linya
Sa pagpipilit ng tayong dalawa
Kaya mo na
Kaya mo na
Buo at matatag ka na
Binabati kita dahil buti ka pa
Tanggap mo nang tapos na
Wala na
Handa ka na ulit itaya ang puso mo sa gera
Iinom muna ako ng kape
Teka lang muna.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Kahon
Hindi ko malilimutan kung paano mo ako inilabas sa kahon Palagi kong aalalahanin ang sinuong kong mga alon Kung gaano kahirap ang pagsigaw A...
-
Ang pangalang Dr. Jose Rizal Mercado y Alonso ay tanyag sa bawat tahanang Pilipino at maging ang kaniyang larawan ay inilagay sa mga selyo n...
-
Naniniwala na ako na kung mahal mo ang isang tao, ilagay mo ang kaniyang larawan sa iyong pitaka Simbolo raw ito ng wagas mong pagmamahal sa...

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento