Biyernes, Abril 6, 2018

#Goyo Romantiko





Mahal, kumusta ka na? Napapansin kong lalong tumumal ang pagpapadala mo ng sulat. Naiintindihan kong malayo ang Amerika o hindi kaya ay marami kang ginagawa. Nakakatawa dahil tuwing umaga ay dumadaan ako sa dati niyong bahay kahit alam kong nandyan ka na sa Amerika.

Patawad dahil hindi ako kasing yaman ni Richard kaya ayaw sakin ng mga magulang mo. Gusto ko paring ituloy ang pag susundalo at papatunayan ko sa iyong ama na kaya kong ipaglaban ang pagibig ko sayo gaya ng paglaban ko para sa bayan. Kinakamusta ka nga pala ni ina. Lumalala ang kaniyang ubo pero hindi pa kasya ang pera ko para ipagamot siya.

Mahal, alam kong mahirap pero sana ay lumaban ka. Diba magpapakasal pa tayo? Ang istorya nating dalawa ang pinakamasarap na paghihirap. Lagi kang mag-iingat at huwag kang papadala kay Richard. Mayaman lamang siya sa salapi ngunit hindi niya mapapantayan ang aking pag ibig.

Huwag kang mag alala dahil hindi ako naniniwala sa sinasabi ni Jose. Hindi ako naniniwalang mananayaw ka sa isa raw bar sa Maynila. Sinapak ko siya dahil alam kong hindi yun totoo. Nagtitiwala ako sayo Magdalena, aking mahal. Sa iyo lamang ang aking puso. Mahal na mahal kita at sana'y magkasama na tayo gaya ng dati.





Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Kahon

Hindi ko malilimutan kung paano mo ako inilabas sa kahon Palagi kong aalalahanin ang sinuong kong mga alon Kung gaano kahirap ang pagsigaw A...