Sabado, Hunyo 9, 2018
"Tama na" ni Karl Christian C. Aldovino
Ito na ang huling tula
Kargada ng mga mabibigat na linya
Tama na ang pagluha ng tinta
Tama na , nakikiusap ako
Tama na - hanapin mo na muna ang sarili mo
Pakiusap , tama na ang pakikipaglaro
Tama na ang pagtaya mo ng puso sa mga bagay na hindi ka pa sigurado
Pakiusap - dalhin mo siya sa buwan tulad ng sa aki'y pinangako mo
Kahit masalimuot ang dulo ng kwento
Nagpapasalamat pa rin ako sa tadhana sa kanyang pagbibiro
Mahal , pagod nang lumuha ng tinta ang mga mata ko
Ito na ang huling tula , nakikiusap ako.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Kahon
Hindi ko malilimutan kung paano mo ako inilabas sa kahon Palagi kong aalalahanin ang sinuong kong mga alon Kung gaano kahirap ang pagsigaw A...
-
Ang pangalang Dr. Jose Rizal Mercado y Alonso ay tanyag sa bawat tahanang Pilipino at maging ang kaniyang larawan ay inilagay sa mga selyo n...
-
Naniniwala na ako na kung mahal mo ang isang tao, ilagay mo ang kaniyang larawan sa iyong pitaka Simbolo raw ito ng wagas mong pagmamahal sa...

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento