Huwebes, Mayo 31, 2018

"Kung ito na ang ating huling gabi" ni Karl Christian C. Aldovino



Kung ito na nga ang huling gabi
At bukas na sasapit ang huling sandali
Mahal,bakit ganito na lamang kadali?
Hindi ko alam kung ano ang nangyari

Kung paanong galit na ang hatid ng mga ngiti
Kung paanong nawala ang tamis at napalitan ng pait
Paanong sumuko sa laban na sabi mo'y tayong dalawa ang magkakampi
Kung paanong nawala ang sumpaan na tayong dalawa hanggang sa huli

Bakit parang hindi na ikaw ang taong pinagdasal ko kay Bathala
Kung bakit lumamig ang pag-ibig na nagbabaga noong umpisa
Bakit parang hindi na ikaw ang taong minahal noong simula
Bakit hindi mo na ko kayang tignan sa mata at sabihin ang "mahal kita"

Mahal, kung ito na nga ang ating huling gabi
Kung hindi ka na mananatili
Hindi ko na makakayanan ang sakit
Sagutin mo na lamang ang lahat ng aking "bakit".

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Kahon

Hindi ko malilimutan kung paano mo ako inilabas sa kahon Palagi kong aalalahanin ang sinuong kong mga alon Kung gaano kahirap ang pagsigaw A...