Huwebes, Mayo 10, 2018

"Tuldok" ni Karl Christian C. Aldovino



"Nay,gusto kong mag aral sa Maynila,gusto kong... "
"Alam mo namang sawa na magpaaral sayo ate mo diba? Bakit pa sa Maynila?"
Gusto kong maging manunulat at manunula
Ngunit hanggang ngayon ay hindi ako maalam gumamit ng tamang bantas at pananda

"Bakit pa sa Maynila"
Hindi pala tandang pananong kundi padamdam
"Ate payagan mo na akong mag-aral sa Maynila, pangako gagalingan ko na"
Sampung libong padamdam ang kailangan

"Ang tanga mo naman"
Milyun-milyong palaso ng mura na nakasakay sa padamdam
"Hala ang bobo.Nag-aral ba 'yan"
Insulto at pagkadismaya sa bawat pagbagsak na bumubulusok tanda ng mga pagkabigo at pagkatalo

"Ito ang aking gusto"
Lubhang malamya kung tuldok lang ang gagamitin mo
Ito ako
Tuldok.
Pagod na ako.
At hindi na kuwit ang gagamitin ko
Tama na sigurong gumamit ng tuldok.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Kahon

Hindi ko malilimutan kung paano mo ako inilabas sa kahon Palagi kong aalalahanin ang sinuong kong mga alon Kung gaano kahirap ang pagsigaw A...