Alam niyo ba na ang mga makata ang pinakamasuwerte at pinakamalungkot na nilalang sa lahat?
Sila ang mga taong kayap sa gabi ay panulat
Hindi pinapatulog ng malilikot nilang isipan
Kaya kung may kakilala kang tulad nila
Pakiusap,wag mo siyang iwan ng mag isa
Kalaro nila ang bawat letra sa niluluto nilang akda
Habang hinihilo ng himig ng musika
Malilikot na isip at pusong duguan
Madalas
Hinahanap
Ang halaga
Sa kawalan
Sa
Kawalan
Nararamdaman nila ang nararamdaman ng iba
Pero sila lang ang may lakas loob na isatitik at isigaw sa madla
Nakakapagsulat ng matatamis pag ibigan sa tula
Kahit sa totoong buhay sila'y wala at mag isa
Sila ay mag isa
Ito ang buhay ng mga makata
Mahuhulog ka sa kanila
Dahil hindi puso ang nilalaro nila kundi mga letra at salita
Ikaw,makata ka ba?
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Kahon
Hindi ko malilimutan kung paano mo ako inilabas sa kahon Palagi kong aalalahanin ang sinuong kong mga alon Kung gaano kahirap ang pagsigaw A...
-
Ang pangalang Dr. Jose Rizal Mercado y Alonso ay tanyag sa bawat tahanang Pilipino at maging ang kaniyang larawan ay inilagay sa mga selyo n...
-
Naniniwala na ako na kung mahal mo ang isang tao, ilagay mo ang kaniyang larawan sa iyong pitaka Simbolo raw ito ng wagas mong pagmamahal sa...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento