Wag mong isisi sa laro ng tadhana
O sa ikot ng uniberso
Kung bakit ba kase
pinipilit mong magkaroon ng kayo
Kahit alam mong malabo
Bakit ba isinisiksik ang sarili sa taong ayaw naman sayo
Bakit sa dinami dami ng ipapalaro
Bakit puso mo pa ang napili mo
Pero uy nakikiusap ako
Kung magmamahal ka
Wag ako
Sawa na rin ako
Sa maling panahon
Sa maling pagkakataon
Sa maling tao
Tamad ako
Hindi ako gigising para lang magmagandang umaga sayo
Lalong hindi ko basta bastang sasabihin na ikaw
Ang mahal ko
Hindi ako makikipagpuyatan sayo
Dahil takot ako na baka wala ka lang magawa
Kaya tahimik kong mundo ang binubulabog mo
Hindi ko rin kayang ibigay
Ang buwan mga bituin o ang mundo
Hindi ko kayang mahalin ka lalot alam ko
Na niloloko mo na ako
Ayoko na sa pag ibig na nanlalamig
At sa umpisa lang magaling
Hindi ko magagawang manuod at manatili
Sa unti unti mong pag bitaw
At gumusto sa kaayaw ayaw
Pero may kakilala ako
At oo mas bagay kayo
Kaya niyang ibigay ang lahat ng wala ako
At dati ko pa siya pinapakilala sayo
Kaya niyang mahalin ka ng husto hanggang dulo
Nariyan siya sayong pagbagsak para sayoy sumalo
Kaya niyang ibigay sayo ang buwan bituin at mundo
Nariyan siya dadamayan ka sa pagiisa mo
Hahawakan niya ang kamay mo hanggang dulo
Ang pag ibig na kayang maglipat ng bundok
Pag ibig na mas malalim
Sa karagatan at mas sing dalas ng mga tala sa kalangitan
Madalas wala ako pero mas lagi siyang nariyan para sayo
Pakiusap kapatid pansinin mo si Kristo
Siya ang pagibig na matagal mo ng hinahanap
Ang pag ibig na kayang magbuwis ng buhay
Kaya hoy,siya nalang
Wag ako.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Kahon
Hindi ko malilimutan kung paano mo ako inilabas sa kahon Palagi kong aalalahanin ang sinuong kong mga alon Kung gaano kahirap ang pagsigaw A...
-
Ang pangalang Dr. Jose Rizal Mercado y Alonso ay tanyag sa bawat tahanang Pilipino at maging ang kaniyang larawan ay inilagay sa mga selyo n...
-
Naniniwala na ako na kung mahal mo ang isang tao, ilagay mo ang kaniyang larawan sa iyong pitaka Simbolo raw ito ng wagas mong pagmamahal sa...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento