Sa panahong
kumakalam ang sikmura
Pumapait
ang panlasa, naghihingalo’t nagtatalo ang mga bituka
Ano ang
kakainin mo?
Gayong
nangunguba’t nangamamatay na sa taas ng presyo
Ng bilihin
na hindi na makatao
Na
sumisigaw, na ang bigas na ito ay hindi para sa tulad mo
Para ito sa
mga nagmamay-ari ng lupa, sa mga diyos
Na dapat ay
sambahin, luhuran, puspusin ng awa o
pwede mo ring ibigay ang iyong sariling dignidad bilang isang simpleng alay
Sa panahong
kumakalam ang sikmura
Makikilala
mo pa kaya kung sino si tama at si mabuti
Habang
umiiyak ang iyong mga anak at wala na kayong maipambili
Ng kahit
kakaunti, ng kahit isang dakot, isang mumo ng kanin bago magtanghali, o kaya ay
bago sumapit ang gabi
Ay malamnan
ang kumakalam mong sikmura
Desperado
kang lalabas gamit ang natitira mong lakas
Upang
humingi ng awa
Ngunit ang tanging binigay sayo ay bala.
Kumakalam ang sikmura, sa hustisya.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento