Inisa-isa ni Michael Alexander Kirkwood Halliday (1973) ang pitong gamit o tungkulin ng wika sa kaniyang librong Explorations in the Functions of Language.
Ang wika ay mayroong dalawang paraan:
- Paraang Pasulat
- Paraang Pasalita
- Personal- Maaaring sariling damdamin, pananaw, opinyon at maging personalidad ng isang indibiduwal. Bulalas ng damdamin (pagkagulat, galit, hinanakit at tuwa). Ang pagmumura ay maituturing sa uring personal sa ilalim ng informal na talakayan.
- Imahinatibo- Ito ay nailalapat sa pagsulat o pagbasa ng mga akdang pampanitikan. Ang tunguhin nito ay malikhain sa gawang masining o estetiko.Ginagamit ito sa mga tula, awit, kuwento at iba pang uri ng panitikan na nangangailangan ng mga talinhaga.
- Interaksyunal- Ito ay nakapagpapanatili at nakapagpapatatag ng relasiyong sosyal. Halimbawa nito ay ang mga pagbati gaya ng Magandang umaga, Kumusta at Kumain ka na ba?
- Informativ o impormatibo- Nagbibigay ng impormasiyon o datos. Halimbawa nito ay ang pagbabalita, anunsiyo, patalastas at babala.
- Instrumental- Tumutugon ito sa mga pangangailangan at nagagamit sa pag-uutos o pakikiusap.
- Regulatori- Ito ang kumukontrol at gumagabay sa kilos at asal ng isang tao.
- Heuristik- Ito ang ginagamit ng taong nais na matuto, madagdagan ang kaalaman at makamit ang kaalamang akademik o propesiyunal.
Ito ay mas kilala sa tawag na "Katutubong wika". Arteryal na wika na natutuhan natin mula pa noong tayo ay isilang. Ginagamit din itong batayan para sa pagkakakilanlang sosyolinggwistika. Ito rin ang wikang madalas na ginagamit sa pakikipagtalastasan sa loob ng bahay.
Ayon kina Walker at Dekker (2008), mas mataas ang pagganap at pagkatuto ng mga mag-aaral kung gagamitin nila ang kanilang unang wika.
Pangalawang Wika
Ayon kay Dalubwika, ito ay alinmang wikang natutunan ng isang tao matapos niyang maunawaang lubos at magamit ang kaniyang sariling wika. Marami sa ating mga Pilipino ay Ingles ang pangalawang wika dahil sa ito ang ginagamit na wikang panturo sa ilang asignatura sa paaralan.
Pinaghanguan: Sipi mula sa diskusiyon ni Ginoong Fritz Bahilango
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento